57 nahuli sa paglabag sa enhanced community quarantine sa Caloocan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2020 03:15 AM

Aabot sa 57 katao na ang nahuling lumabag sa enhanced community quarantine sa Caloocan nitong Biyernes ng gabi. 

Ayon kay Caloocan Police Chief Police Col. Dario Menor, nahuli nilang nakatambay sa kalsada ang mga lumabag sa Barangay 28, 35, at Bagong Barrio.

May isa pang nakumpiskahan ng hinihinalang marijuana. 

Sa video, makikitang nakahawak sa tali ang mga naaresto at paliwanag ni Menor, ito'y upang mapanatili ang physical distancing.

Diretso na sa police station ang mga nahuli na sasampahan ng kasong disobedience to a person in authority in relation to enhanced community quarantine guidelines.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.