2 bangkay ng lalaki natagpuan sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2020 01:38 AM

Natagpuan ang bangkay ng 2 lalaki sa Barangay Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental nitong Biyernes ng umaga.

Wala nang damit pang-itaas ang mga bangkay nang makita ng mga residente sa liblib na bahagi ng bangin sa barangay.

Sa ulat ng Zamboanguita Police, naaagnas na ang mga bangkay.

Nakilalang sina Jomar Castor at Arnel Villegas ang mga biktima na dayo mula sa Barangay Calindagan, Dumaguete City.

Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng dalawa.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulis sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.