LISTAHAN: Mga lugar sa Rizal na walang tubig simula Huwebes ng gabi

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2019 04:12 PM

MAYNILA — Ilang lugar sa Rizal na sakop ng Manila Water ang makararanas muli ng water interruption simula Huwebes ng gabi, ayon sa anunsiyo ng kompanya. 

Magsisimula ang kawalan ng suplay ng tubig alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga ng Biyernes.

Sa inilabas na advisory ng Manila Water, mawawalan ng tubig ang mga sumusunod na lugar:

ANGONO:
•San Isidro
•San Roque
•Sto. Niño
•San Vicente
•Kalayaan
•San Pedro
•Poblacion Ibaba
•Poblacion Itaas

BINANGONAN:
•Pag-asa
•Tayuman
•San Carlos
•Tagpos
•Bilibiran
•Pantok
•Palangoy
•Darangan
•Batingan
•Calumpang
•Libis
•Layunan
•Libid
•Mahabang Parang
•Lunsad
•Pila-Pila
•Limbon-Limbon
•Ithan
•Tatala
•Macamot
•Mambog

BARAS:
•Evangelista
•Mabini
•Concepcion
•San Miguel
•San Juan
•San Jose
•Rizal
•San Salvador
•Santiago

JALAJALA:
•1st District
•2nd District
•3rd District

Ang water interruption ay bunsod ng gagawing maintenance works sa water treatment plant ng kompanya sa Cardona, Rizal.

Inaabisuhan ang mga apektadong konsumer na mag-imbak ng sapat na tubig. 

Nito lamang Miyerkoles, pinatawan ng higit P1 bilyong multa ang Manila Water dahil sa perwisyong dinulot ng kanilang kakulangan ng suplay noong Marso. 


—Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.