7 bahay nasunog sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2019 04:51 AM | Updated as of Apr 25 2019 06:40 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasunog ang 7 bahay sa Taguig St., Barangay Valenzuela, Makati City Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Makati City fire marshal Roy Quisto, nagsimula ang apoy pasado alas-9 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma ang insidente.

Inuupahang apartment ng isang dayuhan ang tinitingnang pinagmulan ng sunog.

Nahirapan ang mga bombero na apulahin ang apoy dahil sa kakulangan ng tubig.

Watch more in iWant or TFC.tv

Video mula kay Bryan Salcedo

"Na-short tayo sa pag-draw ng water sa hydrant kasi mahina 'yung pressure kaya malayo pa 'yung pinagkunan ng tubig ng firetruck natin," ani Quisto.

Idineklarang fire out ang insidente Huwebes ng hatinggabi. Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng natupok na mga ari-arian.

Walang nasaktan sa insidente, pero 2 babae ang dinala sa pagamutan dahil sa nahirapan sa paghinga. - Ulat ni Lady Vicencio at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.