2 patay, 2 huli sa anti-drug ops sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2019 04:56 AM | Updated as of Apr 25 2019 09:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki habang arestado ang 2 iba pa sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Cavite sa magdamag.

Nangyari ang unang operasyon sa bayan ng Silang kung saan napatay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis.

Kinilala ang suspek bilang Onel na nakuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Samantala, nagkasa ng operasyon ang mga pulis sa Bacoor City laban sa isang grupo na mula Cotabato.

Nakatunog umano ang 3 lalaki na pulis ang kanilang katransaksiyon kaya pinaputukan nila ang mga operatiba at tumakas sakay ng SUV.

Gumanti ng putok ang mga pulis na dahilan sa agarang pagkamatay ng isang suspek. Nahuli ang 2 kasamahan nito na nakuhanan ng nasa P2 milyong halaga ng umano'y shabu at baril.

Ayon kay Lt. Col. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor City police, estilo ng mga suspek ang mangupahan sa isang apartment o apartelle at maghihintay lamang ng tawag mula sa kanilang supplier.

"Hindi lang dito 'yan sa Bacoor, sa dami ng kanilang dala, kita naman na malaki ang transaksiyon," aniya. - Ulat nina Ernie Manio at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.