ALAMIN: Workout na puwedeng gawin sa swimming pool

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2018 11:32 PM

Tuwing tag-init, marami ang gustong magtampisaw sa swimming pool para mag-relax at maging maalwan ang pakiramdam.

Bukod naman sa paglangoy, mayroon pang ibang fitness routine na puwedeng gawin sa swimming pool para makuha ang inaasam na beach body.

 

A post shared by Dyan Castillejo (@dyancastillejo) on

Mainam kung isasama ang mga kabarkada sa water workout.

Unahin ang pag-ehersisyo sa mga braso.

Sunod na gawin ang jump squat sa tubig para ma-tone ang hita.

Puwede ring itaas-baba ang legs habang nasa tubig para sa muscles.

Kung mababaw ang tubig, puwede ring mag-jogging sa swimming pool dahil tiyak na lulusawin nito ang sobrang taba sa katawan.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.