Former DFA Secretary Albert del Rosario answers questions from the media as he arrived at the NAIA Terminal 3 on June 21, 2019. George Calvelo, ABS-CBN News/File.
MAYNILA (UPDATE) -- Patuloy ang pagdating ng mga nakikiramay sa pamilya ng yumaong dating DFA Secretary Albert del Rosario sa The Chapels ng Santuario de San Antonio sa Makati City.
Nitong Lunes, kabilang sa dumalaw si dating Interior Secretary Mar Roxas.
Si Roxas ay kasama ni Del Rosario sa gabinete ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Sabi ni Roxas, mataas ang respeto niya kay del Rosario lalo’t malaman kung magsalita ito.
Kahit pa anya nanggaling sa pribadong sektor ay naipakita ng dating kalihim ang pagiging makabayan.
Dating senador at dating DILG Secretary Mar Roxas, nagbigay pugay sa yumaong dating DFA Sec. Albert del Rosario. Robert Mano, ABS-CBN News
"Pumunta talaga ako rito para magbigay pugay kay Sec. Albert. Napakataas ng ating respeto at admirasyon para sa kanya. Very soft spoken. Very man of few words. Pero malaman yung kanyang salita at talaga naman yung respeto na ibinibigay natin sa kanya ay napakataas dahil nakita naman natin ipinaglaban nya yung ating independence at yung sovereignty sa West Philippine Sea. Isa siya sa talagang nagtaguyod at ipinaglaban niya sa international court na UNCLOS, 'yung sovereignty ng Pilipinas. Kaya kahit pa galing s'ya sa private sector yun ang background nya pero nakita natin yung patriotism niya para sa atin," ani Roxas.
"A dear friend and a true gentleman." Ganyan naman inilarawan ni Senator Loren Legarda si Del Rosario.
Kwento pa ni Legarda, sa tuwing pupunta siya noon sa opisina ni Del Rosario sa Department of Foreign Affairs ay aabutan niya ito na naghihintay sa labas ng lobby ng kanyang tanggapan o sa mismong drive way pa.
"He was not just a joy to work with, but he was actually a dear friend and a true gentleman... He was very kind and gentle, a gentleman and brilliant as well. He’s an exceptional Filipino whose courage brought us to the arbitral ruling in the Hague declaration," ani Legarda.
"He was very courageous."
Legarda kay del Rosario: “A dear friend and a true gentleman.” Robert Mano, ABS-CBN News
Kabilang din sa nagpaabot ng pakikiramay si dating Commission on Elections Chairman at Human Rights Lawyer Christian Monsod at asawang si Professor Winnie Monsod.
Nagpunta rin sa burol si dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares.
Pumunta rin sa huling gabi ng burol ni Del Rosario si dating senador Richard Gordon. Inalala niya ang mga katangian ni Del Rosario bilang isang diplomat.
"He's very humble, very courageous. He spoke his mind quietly but in a strong way. Magaling siyang ambassador at mahal niya ang bansa...Kahit na medyo may edad na siya he went out of his way to do his job. Akalain mo nagpunta siya sa Libya. Dun sa mga lugar na delikado ang mga OFW," aniya.
Para naman kay Alexander Pama, dating Vice Admiral ng Armed Forces of the Philippines, kahanga-hanga ang naging papel ni Del Rosario sa pagtatanggol sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
"If there's anyone na we can sa icon ng diplomacy pag pinaglalaban yung atin, walang iba kung hindi si Ambassador del Rosario so nararapat lang bigyan siya ng pagpupugay na nararapat sa kaniya," aniya.
Inalala rin ni Pama ang dedikasyon ni Del Rosario sa trabaho.
"Inaabot kami ng magdamagan ng madaling araw sa pagtatrabaho sa pagtututok nitong issue ng West Philippine Sea at siya ay Secretary na ng Foreign Affairs pero ngunit nandun siya... Hindi niya iniinda yung kaniyang ranggo," dagdag niya.
Inalala rin ni Henry Besurto Jr., assistant secretary ng Office of Consular Affairs ng DFA, ang kaniyang karanasan sa ahensiya kasama si Del Rosario.
"At the end of the day, he will decide not based on the politics of things, he will decide based on what's the right thing to do... He was not there to destroy China, in fact he was for a long term relationship with China. But a relationship that is founded and based on mutual respect," aniya.
Lunes ng gabi ay magdaraos naman ang DFA ng necrological service.
Dakong alas-9 ng umaga ngayong Martes idaraos ang funeral mass sa Santuario de San Antonio Main Church sa Makati City.
- may ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.