'New normal': Ano ang General Community Quarantine?

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2020 03:00 PM

MAYNILA - Isasailalim sa General Community Quarantine ang mga lugar sa Luzon na hindi sakop ng pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine sa lugar, maging ang ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao. 

Ito umano ang itinuturing na "new normal," ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Pero kinakailangan pang plantsahin ang ilang patakaran nito, dagdag niya. 

Sa ilalim ng general community quarantine dapat manatili sa kanilang tahanan ang mga batang may edad 0 hanggang 20 anyos, at ang mga matatandang 60 pataas. 

Pinapayagan din ang mga mall opening sa mga non-leisure na bilihin.

Mananatili ring sarado ang mga paaralan, maging ang operasyon ng mga leisure, amusement, gaming at fitness, tourism, at malalaking partitipon. 

Papayagan din aniya ang mga non-worker na mamili ng mga bilihin at serbisyo. Bubuksan din ang mga paliparan para sa paglilipat at pag-aangkat ng mga bagay o goods. 

Maaari na ring magbukas ang public transport, pero lilimitahan ito alinsunod sa physical distancing protocols. 

Aalisin din ang curfew para sa mga manggagawa at maaari nang lumabas ang mga nasa edad 21 hanggang 59 para magtrabaho, alinsunod sa mga patakaran ng IATF. 

Kung magbubukas na ang operasyon ng ilang kompanya, kinakailangan pa rin nitong sumunod sa mga health standards na ilalatag ng gobyerno, ayon kay socioeconomic planning secretary Karl Chua. 

Maaari namang buksan nang 50 hanggang 100 porsiyento ang operations ng mga sumusunod na sektor. 

100 porsiyento: Agriculture, fishery, forestry, food manufacturing at supply chain, food retail (supermarkets, grocery stores), mga kainan na take-out at delivery, healthcare (hospitals, drug stores), logistics, water at energy firms, internet service providers, telecommunications at media 

50 porsiyento: Manufacturing, electronics and exports, e-commerce at delivery para sa essential at non-essential items, repair at maintenance services, housing at office services 

50 porsiyento on-site, 50 porsiyento "work from home": Financial services, business process outsourcing, ibang non-leisure wholesale at retail trade, at iba pang non-leisure services

Sa panayam sa radyo DZMM, sinabi ni Roque na inatasan ng IATF ang ilang ahensiya na maglabas ng patakaran na bubuuin sa Abril 25 at isasapinal sa Abril 27 kaugnay sa pagpapatupad ng GCQ. 

“Totoo po yan kaya that will be the new normal and mapa-finalize po yung guidelines lalo na sa public transportation by the 27th of April para pagdating ng a-30, it will be smooth implementation,” ani Roque. 

MGA LUGAR: 

Narito ang mga posibleng isailalim sa general community quarantine pagdating ng Mayo: 

MODERATE RISK:

• Negros Occidental
• Negros Oriental
• Siquijor
• Davao del Sur
• Davao Oriental
• Sultan Kudarat
• Lanao del Sur

LOW RISK:

• Abra
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• Apayao
• Batanes
• Mountain Province
• Ifugao
• Kalinga
• Quirino
• La Union
• Cagayan
• Isabela
• Nueva Vizcaya
• Marinduque
• Palawan
• Romblon 
• Camarines Norte
• Camarines Sur
• Sorsogon
• Capiz
• Samar
• Western Samar
• Northern Samar
• Eastern Samar
• Masbate
• Guimaras
• Bohol
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Zamboanga del Sur
• Lanao del Norte
• Misamis Occidental
• Misamis Oriental
• North Cotabato
• South Cotabato
• Maguindanao
• Zamboanga del Norte
• Zamboanga Sibugay
• Bukidnon
• Camiguin
• Davao Occidental
• Sarangani
• Agusan del Sur
• Dinagat Island
• Surigao del Norte
• Surigao del Sur
• Agusan del Norte
• Basilan
• Sulu

— Ulat nina Arianne Merez, Joyce Balancio at Pia Gutierrez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.