20 tiklo sa unang gabi ng 'hard lockdown' sa Sampaloc, Maynila

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2020 05:49 AM | Updated as of Apr 24 2020 07:44 AM

Watch more in iWantTFC

Aabot sa 20 residenteng lumabag sa home quarantine ang arestado sa unang gabi ng hard lockdown sa Sampaloc, Maynila.

Nagpalipas sila ng gabi sa mga barangay covered court na nagsisilbing temporary detention facilities nang maiwasan din ang magkahawaan sa mga piitan.

Ayon kay Sampaloc police commander Lt. Col. John Guiagui, pinanood ang mga naaresto ng videos tungkol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nananatiling Sampaloc pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Maynila na may 110 pasyente na.

Habang ipinatutupad ang hard lockdown, pagkakataon ito ng Manila health department para magsagawa ng mass testing sa mga residenteng natukoy sa contact tracing.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.