11,000 guro at non-teaching public school staff sa Maynila, binigyan ng P5,000 na ayuda

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2020 10:11 PM

MAYNILA - Tumanggap ng P5,000 cash assistance ang mga teaching at non-teaching personnel na nagtatrabaho at nagtuturo sa mga public school sa lungsod na ito.

Nasa 11,000 ang mga guro at non-teaching staff sa mga public school sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, inaprubahan na niya ang paglalaan ng P64 million na pondo para sa financial assistance ng mga nagtatrabaho sa mga public school sa lungsod.

Saad ng alkalde, pantay-pantay ang lahat sa matatanggap nilang P5,000.

Ayon kay Dr. Maria Magdalena Lim, superintendent ng Manila City schools division, nailipat na nila sa mga bank account ng mga guro ang ayuda at maaari na nila itong magamit ngayon.--Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.