Lalaki arestado matapos saksakin ang natutulog na aso sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 03:44 AM

ILOILO CITY - Arestado ang isang lalaki matapos niyang saksakin ang isang aso habang natutulog ito sa Barangay Boulevard, Molo, Iloilo City nitong Lunes.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act ang 19 anyos na suspek.

Ayon sa pamilya na nag-aalaga sa aso, natagpuan nalang nila na may nakatusok na buntot ng stingray kay "Jack" na itinuturing nilang miyembro ng pamilya.

Depensa ng suspek, sinaksak niya ang aso dahil umano tinaholan siya nito. - Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.