7 sugatan sa Northern Samar dulot ng magnitude 6.5 lindol

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 05:03 PM | Updated as of Apr 24 2019 09:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pito ang sugatan sa Northern Samar matapos ang magnitude 6.5 na lindol na yumanig sa Eastern Samar nitong Martes.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang dito ang isang empleyado ng kapitolyo na tumalon mula sa ikalawang palapag na ginagawang extension ng gusali.

Ayon kay Tata Delorino, technical training officer ng PDRRMO Northern Samar, nagpanic ang empleyado noong magkalindol.

Ayon din sa report, bumagsak ang pader ng 17th Century-old na simbahan ng bayan ng Palapag. Walang nasaktan sa insidente.

Inaalam pa ng mga lokal na opisyal kung mayroon pang pinsala ang nasabing pagyanig, kung saan Intensity V ang naramdaman sa Northern Samar.

Naputol din ang suplay ng kuryente pero nakabalik na ito sa normal na operasyon. --Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.