PatrolPH

2 suspek, 1 pulis patay sa buy-bust sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2019 01:03 AM | Updated as of Apr 24 2019 07:43 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Patay ang 2 drug suspect at isang pulis matapos mauwi sa engkuwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City nitong Martes ng gabi.

Patay ang mga suspek na kinilala bilang alyas Echay at alyas Laon, at ang pulis na si Patrolman Ariel Dapyawen na binawian ng buhay sa ospital.

Samantala, stable na ang lagay ni Police Staff Sgt. Joseph Monjardin na tinamaan ng bala sa tiyan.

Narekober sa crime scene ang isang shotgun at kalibre 38 na armas ng mga suspek. --Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.