Sagupaan ng militar at NPA sa Leyte, 1 patay

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 09:18 AM

LEYTE – Patay ang isang sundalo matapos na makasagupa ng tropa ng pamahalaan ang grupo ng hinihinalang New People’s Army (NPA) sa Sitio Canayan, bayan ng Mahaplag, Sabado ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Cpl. Jose Pascual Saycon Jr.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, naka-enkuwentro ng mga sundalong sakop ng Scout Platoon ng 78th Infantry Battalion ang mga NPA kung saan tumagal ang putukan ng 25-minuto.

Hindi pa mabatid kung nalagasan rin ng miyembro ang NPA.

Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation ng pulisya at military laban sa mga nakatakas na NPA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.