Mag-ama, pinagtataga, sinunog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 05:24 PM | Updated as of Apr 24 2018 09:05 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sunog ang katawan at puno ng taga ang isang 64 taong gulang na lalaki at anak niyang 7 anyos na bababe nang matagpuan sa kanilang bahay sa Hacienda Emiliano, Barangay Kapitan Ramon, Silay, Negros Occidental. 

Nasa 2 kilometro ang layo ng mga kapitbahay kaya malamang ay hindi na umano nakahingi ng tulong ang mag-ama. 

Ayon kay Superintendent Noel Polines, hepe ng Silay police station, posibleng higit sa dalawang tao ang gumawa sa krimen. 

Maaari rin umanong kilala ng biktima ang mga salarin dahil pinaslang maging ang kaniyang batang anak.

Patuloy pang iniimbestigahan kung may pagnanakaw o personal ang motibo sa pagpatay sa mag-ama.

Ang kinakasama ng lalaki at ina ng bata ay sa Talisay City nagtatrabaho kaya wala siya nang mangyari ang insidente.

Paniniwala niya, maaaring ginahasa rin ang kaniyang anak dahil wala na itong saplot nang matagpuan. Kabi-birthday lang din daw ng bata.

Ayon pa sa kaniya, wala namang kaalitan ang kinakasama maliban sa isang kamag-anak. 

--Ulat ni Meneil Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.