Jeep nahulog sa bangin sa Antipolo; 2 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 08:03 AM | Updated as of Apr 24 2018 08:15 AM

MAYNILA - Sugatan ang 2 indibidwal matapos mahulog ang isang pampasaherong jeep sa bangin sa Barangay Dalig, Antipolo, Martes ng umaga.

Minor injuries lang ang tinamo ng drayber at ang isa nitong pasahero na nakatalon agad bago pa bumulusok sa bangin ang sasakyan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nawalan ng kontrol ang drayber ng jeep kaya nahulog ito sa bangin sa pa-zigzag na bahagi ng highway. 

May harang sana ang tabi ng kalsada pero sa lakas ng pagkakabangga ng jeep ay nawasak rin ito.--ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News