Hustisya hiling ng mga kaanak sa Nueva Ecija massacre

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 07:59 AM

NUEVA ECIJA - Humihiling ng hustisya ang mga kaanak ng pamilyang pinagtataga sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Naiuwi na ang labi ng mga biktima sa Capas, Tarlac Sabado ng madaling-araw.

Hanggang ngayon, hindi pa matanggap ng mga kaanak ang malagim na sinapit ng mga biktima.

Giit nila na maganda ang pakikitungo ng mga biktima sa suspek.

Ang suspek na live-in partner ng isa sa mga biktima ay hawak na ng mga otoridad.

"Maganda naman 'yung pakikisama nila sa kaniya," pahayag ng kaanak.

"Kahit magsisisi siya, hindi naman po hayop 'yung pamilya ko," ayon sa kapatid ng isang biktima.

Nakatakdang ilibing Miyerkoles ng umaga ang mga biktima. 

Matatandaang tadtad ng taga ang 6 na biktima sa iba't ibang parte ng katawan nang makita ng mga kapitbahay sa inuupahang tirahan sa barangay Tambo Adorable.

Tatlo ang nakaligtas, kabilang ang 2 menor de edad na hawak na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). - ulat ni Edward Quinto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.