Bata, 2 babae patay sa sunog sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 05:15 AM | Updated as of Apr 24 2018 09:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang isang bata at 2 babae makaraang masunog ang ilang bahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong Lunes ng gabi. 

Sumiklab ang sunog alas-11:40 ng gabi at mabilis na kumalat sa nasa 15 na bahay. 

Na-trap sa nasusunog na bahay ang isang 11-taong-gulang na babae, dahilan para balikan siya roon ng kaniyang 55-anyos na lola at isa pang babae. 

Pawang hindi na nakalabas ang tatlo. Natagpuan kinalaunan ang kanilang mga bangkay. 

Tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente at itinakbo sa East Avenue Medical Center. 

Nawalan ng tahanan ang 30 pamilya sa sunog na naapula bandang ala-1 Martes ng umaga. 

Napabayaang pagluluto ang sinisilip na sanhi ng sunog, ayon kay Insp. Joel Fajardo ng Bureau of Fire Protection (BFP). 

May ulat nina Dennis Datu at Jekki Pascual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.