Babae, arestado sa cyberporn sa Cebu; 2 bata, na-rescue

ABS-CBN News

Posted at Apr 24 2018 05:16 AM

CORDOVA, CEBU - Arestado sa isang entrapment operation nitong Lunes ang isang 20-anyos na babae na umano'y sangkot sa cyber pornography sa Cordova, Cebu.

Na-rescue naman ng mga otoridad ang 2 bata na umano'y ginagamit sa ilegal na gawain. Mga anak ito ng kapitbahay ng babae.

Narekober sa loob ng bahay ng suspek ang 2 smartphone na ginagamit nito para makipagtransaksiyon sa mga kliyenteng foreigner.

Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Women and Children Protection Center (WCPC), International Justice Mission (IJM), Cebu Provincial Police Office (CPPO), at iba pang sangay ng gobyerno.

Depensa naman ng suspek, nagawa niya ito dahil sa tindi ng pangangailangan sa pera.

Inilagay muna sa pangangala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga batang na-rescue.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. - ulat ni Edgar Escalante, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.