PatrolPH

Nasa 300 kilo ng manta ray meat kumpiskado sa Zamboanga del Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2021 06:55 PM | Updated as of Apr 23 2021 06:56 PM

Nasa 300 kilo ng manta ray meat kumpiskado sa Zamboanga del Norte 1
Itinapon ng ilang tauhan ng barko ang mga karne nang matunugang sumusugod na ang mga awtoridad. Retrato mula sa BFAR-Region 9


LABASON, Zamboanga del Norte — Higit 300 kilo ng manta ray meat ang natagpuan ng mga awtoridad sa 2 fishing vessel sa dalampasigan ng bayan na ito kamakailan. 

Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 9, nahuli pa sa akto ng kanilang mga tauhan ang ilang miyembro ng fishing crew na pinapatay ang mga manta ray noong Abril 18.

Itinapon naman ng ilang tauhan ng barko ang mga karne nang matunugang sumusugod na ang mga awtoridad.

Kakasuhan ng BFAR ang operators ng FB Ron Ron at FB Lionel James dahil sa paglabag sa fisheries code. 

Itinuturing ang manta rays na endangered species.


—Ulat ni Jewel Reyes 

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.