Manila drug bust: P712-K halaga ng 'shabu' nasamsam, babae timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 02:05 PM

Natimbog ang isang babae matapos makuhanan ng higit P712,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila nitong umaga ng Huwebes.

Naaresto ng mga pulis si alyas "Sarah," 30 anyos, bandang alas-9:30 ng umaga sa operasyon sa may Jacinto Street, Barangay 102, sabi sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Dinampot ang suspek matapos niyang bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, ayon sa NCRPO.

Narekober sa suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 104 gramo at nagkakahalaga ng P712,096.

Nakadetine sa Manila Police District Station 1 ang suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.