PatrolPH

La Union town mayor nagbigay ng P2 milyong ipon pandagdag-ayuda

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 03:12 PM

La Union town mayor nagbigay ng P2 milyong ipon pandagdag-ayuda 1
Hindi daw kasi sapat ang pondo mula sa pamahalaan para maitawid ang pangangailangan ng mahihirap na pamilya sa Sudipen, ayon sa alkalde. Retrato mula sa Sudipen, La Union LGU


Isang alkalde sa bayan ng La Union ang nagbigay ng P2 milyon mula sa kaniyang ipon para pandagdag tulong sa kaniyang nasasakupan sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Sabi ni Sudipen, La Union Mayor Wendy Buquing, nagpaluwal na siya ng P2.05 milyon mula sa sariling bulsa para idagdag sa pambili ng relief goods para sa mga residente ng kaniyang bayan.

Hindi daw kasi sapat ang pondo mula sa pamahalaan para maitawid ang pangangailangan ng mahihirap na pamilya sa Sudipen.

"The initial relief packs provided using the LGU’s fund were not enough to cover the tranches of distribution, that is why we need more fund to continuously provide for our residents during the period of enhanced community quarantine," paliwanag ni Buquing.

Nanatili pa rin sa 15 ang bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng La Union at 9 dito ang gumaling. 

Nitong Miyerkoles, nasa 6,710 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 693 dito ang nakarekober habang 446 ang nasawi.


Mula sa ulat ni Micaella Illao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.