Nanawagan ang ilang tagahakot ng basura nitong Miyerkoles ng karagdagang suweldo at proteksyon sa gitna ng lockdown ng buong Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Kuwento ng grupong nakapanayam ng ABS-CBN News, isang buwan na nilang kalbaryo ang kawalan ng pampublikong sasakyan dahil sa community quarantine.
Tiyempuhan lang anila na makahanap sila ng mga sasakyang pumapayag na makaangkas sila mula sa Commonwealth, Quezon City patungo sa garahe ng kanilang mga dump truck sa Malaria, North Caloocan.
Ganito rin anila ang kanilang diskarte kapag pauwi na sila pagkatapos ang 12 oras na trabaho.
“Sana mabigyan kami ng mga face masks at siyempre sana dagdag sahod. Lalo na hindi naman natin nakikita ang kalaban natin, hindi natin alam kailngan ba aatake 'yan,” dagdag ni "Nestor", isa sa mga tagahakot ng basura.
Sinubukang hingin ng ABS-CBN ang panig ng lokal na pamahalaan ng Caloocan pero wala pa silang tugon sa mga oras na ito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog News, palero, tagahakot ng basura, basura, trash collector, Caloocan, enhanced community quarantine, Luzon lockdown