PatrolPH

DILG pinagpapaliwanag ang 29 barangay dahil sa quarantine violations

Joyce Balancio, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 03:43 PM

MAYNILA — Pinagpapaliwanag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 29 barangay sa Luzon na lumabag umano sa mga patakaran ng enhanced community quarantine o lockdown kontra pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa DILG, nagpadala na sila ng show cause order laban sa mga hindi pa tinutukoy na barangay. 

Kabilang anila dito ang mga lugar kung saan may nahuhuling sabungan at iba pang ilegal na aktibidad. 

Sabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, may 48 oras ang mga barangay chairman para magpaliwanag.

Sakaling hindi sila makapagbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag ay sasampahan sila ng DILG ng reklamo sa Office of the Ombudsman. 

Ieendorso rin sila ng DILG sa National Bureau of Investigation para mapanagot. 

Noong Miyerkoles, nasa 6,710 na ang nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 693 dito ang nakarekober habang 446 ang nasawi, ayon sa Department of Health. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.