4 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 11:25 PM

MAYNILA - Apat na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naitala sa lungsod ng Taguig ngayong Huwebes.

Sa kabuuan, mayroon nang 203 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig, mula sa mga Barangay Calzada, North Daang Hari, Fort Bonifacio, at Central Bicutan ang mga bagong kaso.

Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, mula Enero 27 hanggang Abril 23 ay mayroong 1,129 na suspected COVID-19 cases sa lungsod. Nasa 15 na rin ang namatay habang 24 naman ang gumaling sa sakit.

Hinihingi rin ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang kooperasyon ng lahat ng residente para mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ngayong Huwebes, umabot na sa 6,981 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa. Mayroon na ring 462 na namatay at 722 na gumaling mula sa sakit.

- ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.