4 arestado sa paglalaro ng pusoy dos sa Ilocos Sur

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 11:10 PM

CAOAYAN, Ilocos Sur - Arestado ang apat na construction worker sa Barangay Manangat sa bayan ng Caoayan matapos maaktuhan ng mga pulis ang paglalaro nila ng baraha Miyerkoles.

Nakumpiska rin mula sa kanila ang P800 na taya umano sa kanilang paglalaro.

Ayon sa pulisya, benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ang tatlo sa mga inaresto.

Bukod sa bayan ng Caoayan, may mga nahuli ring nagsusugal sa mga bayan ng Narvacan, Suyo at Candon City nitong Martes at Miyerkoles.

Paalala ng pulisya, tuloy-tuloy ang kanilang pagpapatrolya upang tiyakin na nasusunod ang mga alituntunin na ipinapatupad ngayong Luzon lockdown.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.