1 patay matapos masunog ang isang oil tanker sa Bukidnon

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2020 04:23 AM

Larawan mula kay Alan Improgo

Isa ang patay matapos matupok ng apoy ang isang oil tanker sa Mangima, Zigzag Road, Barangay Tankulan sa bayan ng Manolo Fortich, Bukidnon nitong Martes ng gabi.

Posible umanong driver ito ng tanker pero hinihintay pa ng mga awtoridad na makipag-ugnayan ang pamilya nito o ang kumpanya para sa pagkakakilanlan nito.

Ayon sa OIC ng Manolo Fortich Fire Station na si SFO4 Edgar Lawan, natumba ang tanker matapos itong lumiko at posibleng hindi na nakontrol ng driver.

Nahirapan din silang apulahin ang apoy dahil kinailangan pa nilang gumamit ng Aqueous Film Forming Foam (AFFF).

Pasado alas-1 na ng madaling araw nang tuluyang naapula ang apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.