#WalangPasok: Abril 24, Miyerkoles

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2019 06:00 PM | Updated as of Apr 23 2019 09:10 PM

MANILA - (UPDATED) Suspendido ang pasok sa ilang unibersidad ngayong Miyerkoles, Abril 24, matapos ang magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Visayas, Martes ng hapon.

Suspendido ang klase sa University of San Jose-Recoletos sa Cebu City para magbigay-daan sa inspeksyon ng mga gusali nito.

Sinuspinde na rin ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzalez Romualdez ang pasok sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod para makaiwas sa mga posibleng aftershock ng lindol at para makapag-inspeksiyon ng mga gusali.

 

Kabilang ang Tacloban City at Cebu City sa mga lugar na niyanig ng lindol na tumama sa Visayas nitong Martes na nakasentro sa San Julian, Eastern Samar.

Samantala, suspendido pa rin ang klase sa University of The Philippines Diliman Extension Program-Pampanga dahil rin sa patuloy na pag-iinspeksyon sa mga gusali nito matapos naman ang lindol sa Pampanga.

Kabilang ang Pampanga sa mga lugar na niyanig ng lindol na tumama sa Luzon nitong Lunes na nakasentro sa Castillejos, Zambales.

Suspendido rin hanggang Lunes, Abril 29, ang klase sa lahat ng antas sa Emilio Aguinaldo College dahil sa patuloy na pagiinspeksiyon ng mga gusali nito.

Isa sa mga gusali ng paaralan ang humilig sa katabing gusali nito matapos ang lindol na tumama sa Luzon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.