Sasakyan nagliyab sa NLEX-Balagtas exit

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2019 10:54 AM

Lumiyab ang isang van sa Balagtas exit ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong umaga ng Martes. 

Ayon sa drayber ng van na si Ramil Martiya, binabaybay niya ang kahabaan ng kalsada nang makaramdam na bumabagal ang kaniyang sasakyan. 

Unti-unti niyang itinabi ang sasakyan at matapos ang ilang sandali ay nakaamoy siya ng usok sa kaniyang inuupuan kaya umalis sila ng kaniyang kasamahan dito. 

Matapos ang 5 minuto ay bigla umanong lumiyab ang sasakyan. 

Agad na rumesponde ang mga awtoridad para apulahin ang apoy mula sa van. 

Wala namang nasaktan sa insidente. 

Nagdulot ng pagbigat ng trapiko ang sunog sa kahabaan ng NLEX. 

-- Ulat ni Joyce Balancio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.