3 patay, 17 sugatan sa aksidente sa Baguio

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2019 12:44 PM

Bumangga sa barrier ang jeep bago bumaliktad na ikinamatay ng tatlo katao at ikinasugat naman ng 17 iba pa sa Baguio City. Larawan mula kay Albert Manangan

BAGUIO CITY - Patay ang tatlo katao matapos sumalpok ang sinasakyang pampasaherong jeep sa Suello Village, Martes ng umaga.

Wala pang pagkakakilanlan sa mga nasawi, maging sa 17 iba pang nasugatan sa aksidente.

Galing sa Marcos Highway ang jeep at may sakay umanong pawang volunteer campaigner.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng preno ang jeep at dumausdos sa matarik na kalsada.

Posibleng nahirapan pa ang driver dahil sharp curve ang daan. Ibinangga nito ang jeep sa isang barrier saka bumaliktad.

Naisugod sa pagamutan ang mga sugatan, kasama na ang driver ng jeep.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.