14 pamilya, nasunugan sa Malate

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2019 04:35 AM

MAYNILA - Nasunugan ang 14 na pamilya sa Kalayaan St., Malate, Maynila Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy pasado alas-8 ng gabi at umabot sa ikalawang alarma.

Upos ng sigarilyo na itinapon sa isang abandonadong bahay ang tinitingnang sanhi ng sunog.

Ayon kay Fire Insp. Lowie Puno ng Intramuros Fire Station, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil masikip ang daan.

Nasa 7 bahay ang natupok at tinatayang nasa P60,000 ang danyos ng sunog. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.