P5 milyon na 'shabu' nakuha sa condo sa Muntinlupa

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2018 08:41 AM | Updated as of Apr 23 2018 10:00 PM

MANILA - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P5 milyon na halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang condominium unit sa Sucat, Muntinlupa ngayong Lunes ng madaling-araw.

Bago ang operasyon, isang buwan na tiniktikan ng police Drug Enforcement Group (PDEG) ang condo unit na inuupahan ng Chinese national na lider umano ng Peng drug syndicate, sabi ni Superintendent Enrico Rigor, tagapagsalita ng police unit.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakasilid aniya sa 4 na plastic bag ang drogang nakuha mula sa lugar na pinananiwalaang warehouse ng shabu.

Wala namang inabutang tao roon ang mga operatiba.

Ikinasa ang operasyon bilang follow-up sa pagkaka-aresto noong nakaraang linggo ng isang Chinese sa Makati at 3 Pilipino sa Alabang, na pawang dawit umano sa bentahan ng droga.

Sinalakay ng PDEG ang condominium unit sa bisa ng search warrant mula sa Regional Trial Court.

May ulat nina Dennis Datu at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.