Kakalapag na eroplano tumirik sa Zamboanga airport runway

ABS-CBN News

Posted at Apr 23 2018 08:46 AM | Updated as of Apr 23 2018 11:44 AM

MANILA - (UPDATED) Tumirik sa runway ng Zamboanga International Airport ang isang eroplanong kalalapag pa lang, Lunes ng umaga.

Tumigil ang flight 5J-849 ng Cebu Pacific dahil sa "steering fault" dakong alas-6:30 ng umaga, ayon kay Charo Logarta-Lagamon, corporate communications director ng airline. 

Ligtas naman aniya ang lahat ng 180 pasehero ng eroplano, ngunit tumagal ng 2 oras bago ito naialis sa runway. 

Pansamantalang isinara ang runway dahil sa aberya, pero binuksan din nang maialis ang nakaharang na eroplano. 

Gayunman, made-delay ang mga sumusunod na Cebu Pacific flights, ayon sa abiso ng kumpanya: 

5J 839 Zamboanga-Tawi Tawi 
5J 394 Zamboanga-Davao 
5J 852 Zamboanga-Manila 
5J 840 Tawi Tawi-Zamboanga 
5J 860 Manila-Zamboanga 
5J 850 Zamboanga-Manila     

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.