PatrolPH

DOH sa mga may hemophilia: Lumapit sa health centers

Willard Cheng, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2023 10:15 AM

Mark Demayo, ABS-CBN News/file
Mark Demayo, ABS-CBN News/file

MANILA — Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga pasyenteng maaaring may kondisyon na hemophilia na huwag mag-atubiling lumapit sa mga primary care at health centers, at maging mga health support groups para magpakonsulta.

Ang hemophilia ay isang underreported at kakaibang blood disorder na dahilan dahilan para hindi mag-clot ang dugo para tumigil ang pagdurugo sa sugat, ayon kay Dr. Marielle Lois Manuel, medical specialist ng Philippine Blood Center.

Dagdag pa ni Manuel, hereditary o namamana ang naturang karamdaman.

Dahil dito, hinimok niya ang mga nakararanas ng pagdurugo na hindi naipapaliwanag ng doktor na pinupuntahan, na agad magpatingin sa mga hemophilia treatment center.

Dapat, aniya, magpatingin din ang mga may family history ng bleeding disorder dahil may gamot para rito.

“At the first sign of bleeding, kung actual na dugo man ang nakita niyo or nakaramdam ng pain ang isang pasyente with hemophilia, gusto po natin pumunta na po agad sa hemophilia treatment centers natin para maagapan. Kasi as much as possible, ayaw na po natin makakita ng hemophilia patients who bleed to death kasi mayroon naman pong gamot,” ani Manuel sa isang media briefing nitong National Hemophilia Awareness Month.

Sakaling nais magpatingin ukol sa hemophilia, maaaring magtungo ang publiko sa mga sumusunod na DOH Hemophilia Treatment Centers:

  • Baguio General Hospital and Medical Center
  • Region 1 Medical Center
  • Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital
  • Batangas Medical Hospital
  • Ospital ng Palawan
  • Bicol Regional Training and Teaching Hospital
  • Vicente Sotto Memorial Medical Center
  • Western Visayas Medical Center
  • Zamboanga City Medical Center
  • Northern Mindanao Medical Center
  • Southern Philippines Medical Center
  • Philippine Children's Medical Center
  • National Children's Medical Center
  • Jose R. Reyes Memorial Medical Center

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.