PatrolPH

Scholarship sa crisis, disaster management alok ng public safety, nat'l police college

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2021 07:02 PM

MAYNILA — Nag-aalok ng isang taong scholarship ang Philippine Public Safety College (PPSC) at National Police College sa mga nais kumuha ng kursong masters in crisis and disaster risk reduction and management.

Bukas ang scholarship sa mga miyembro ng Philippine National Police na may ranggong captain at major, mga taga-government agencies, at miyembro ng media.

Sa isang virtual press conference, sinabi ni PPSC President Ricardo de Leon na ngayong panahon ng pandemya, higit na kailangang iangat ang kaalaman, lalo ng mga frontliner tuwing panahon ng kalamidad.

"Ayaw natin maulit 'yong nanagyari sa Catanduanes na na-isolate... without even communication na may mga problema pa na nangyayari doon. We want you to support LGUs (local government units)," ani De Leon.

Isa ang Catanduanes sa mga sinalanta ng Bagyong Rolly noong Nobyembre ng nakaraang taon. Bumagsak ang linya ng komunikasyon sa isla kasunod ng pananalasa ng bagyo.

May 42 units umano ang nasabing kurso at gagawing online ang klase.

Sa mga interesadong mag-apply ng scholarship, maaari umanong magpadala ng aplikasyon sa npcpsoac.mcdrm@gmail.com.

 RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.