COVID-19 vaccine rollout para sa mga senior citizen sa Iloilo sinimulan na

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2021 07:41 PM

Kuha ni Jenel Baclay

Halos 1,000 na mga senior citizen, persons with co-morbidities at mga barangay officials ang binakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa isang mall sa Iloilo City nitong Huwebes.

May 4,000 doses ang target ng lokal na pamahalaan na maiturok sa mga nasa priority list para sa unang dose ng COVID-19 vaccine ngayong linggo.

Iloilo City Mayor Jerry Treñas. Kuha ni Jenel Baclay

Natanggap na rin ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang kanyang unang dose ng bakuna na isinigawa sa West Visayas State University Medical Center.

Ayon kay Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng lungsod, wala naman silang may nakitang adverse side effect sa mga nabukanahan lalong lalo na sa mga senior citizens. - Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC