Sara Duterte mamimigay ng 10,000 fried chicken sa lugar sa Davao City na may pinakamababang COVID-19 cases

Hernel Tocmo, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2020 04:18 PM

DAVAO CITY - Magbibigay ng 10,000 fried chicken si Mayor Sara Duterte-Carpio sa lugar sa lungsod na may pinakamababang kaso ng COVID-19 sa kaniyang kaarawan sa Mayo 31.

"Kadtong cluster nga pinaka-least of positive cases by May 31, librehon tamo tanan og 10,000 Jollibee Chickenjoy. Of course, first come, first served ni," ani Duterte-Carpio sa isang pahayag sa Davao City Disaster Radio.

('Yung cluster na may least positive cases by May 31, 2020, librehin ko kayo lahat ng 10,000 fried chicken. Of course, first come, first served ito.)

Magbibigay din umano siya ng 10,000 softdrinks sa cluster na hindi na tataas pa ang bilang ng COVID-19 cases.

"Kinahanglan kamong tanan, magbuhat mo og paagi nga dili motaas ang inyong positive cases."

(Kailangan kayong lahat, may paraan para hindi na tataas pa ang bilang ng positive cases.)

Simula ngayong linggo, ipinatupad ang clustering sa mga distrito sa Davao City.

Sa pinakahuling tala, may pinakamaraming kaso ang Cluster 1 (Talomo District, Poblacion), na may 43 kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Nauna nang sinabi ng alkalde na ibibigay niya ang kaniyang sahod para sa isang buong taon sa mga health workers na mayroong COVID-19.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.