DOJ humiling na sa DOH ng 10,000 test kits

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2020 12:39 AM

Hiniling na ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Health (DOH) na mapaglaanan ng 10,000 test kits ang Bureau of Corrections.

Ayon kay DOJ Undersecretary Mark Perete, gagamitin ang test kits sa mga preso na magkakaroon ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dagdag ni Perete, mahigit 3,000 rito ay gagamitin para maisailalim na sa COVID-19 test ang lahat ng nakapiit ngayon sa correctional institution for women.

Kasama rin dito ang iba pang inmates sa ibang penal colonies sa bansa na mayroong sintomas ng naturang virus.