5 street vendors inaresto sa QC

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2020 11:38 AM | Updated as of Apr 22 2020 12:10 PM

MAYNILA - Inaresto ng mga tauhan ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang 5 street vendors sa Roosevelt Avenue sa EDSA.
 
Sa kumpletong affidavit ng Market Development Administration Division na inihain sa QC Prosecutors’ Office, nakasaad na lumabag ang 5 sa city ordinance 5063 dahil sa obstruction sa lansangan at Republic Act 11332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concerns.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa tumatayong legal counsel ng grupo na si Atty. Aaron Pedrosa ng Sanlakas, mariin nilang kinondena ang pag-aresto sa 5 nitong Martes.

“Sila po ay kasalukuyan pa rin nakakulong sa Masambong Police Station,” sabi ni Pedrosa.

Inutang lamang lang din sa 5-6 ang ipinambili ng gulay na kinumpiska ng awtoridad.

“Kung pinapayagang magbukas ang mga palengke, supermarket anong kaibahan ang serbiyong ibinibigay ng ating sidewalk vendors sa konteksto ng mahigit isang buwan na walang hanapbuhay, walang pinagkakakitaan ang ating mga kapatid na manininda?” sabi pa ni Pedrosa.

Noong Abril 4, may 19 na sidewalk vendors na rin ang inaresto sa QC Circle.

Giit ni Pedrosa, na imbes na kulong ay ayuda at pagbibigay ng sapat na puwang ang dapat ibigay sa mga vendors para sila’y makapag-hanapbuhay.