SAPUL SA CCTV: Paghablot sa bag ng estudyante sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2019 09:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasapul sa CCTV ang paghablot ng snatcher sa bag ng isang estudyante sa Malate, Maynila noong umaga ng Linggo.

Sa kuha ng CCTV, mapapanood ang biglang paghablot ng isang lalaking nakasombrero sa bag ni "Julie," 22 anyos, habang naglalakad ito sa Estrada Street.

Laman umano ng bag ang iPad, cellphone, pocket wifi, wallet, at mga ATM card.

Humingi pa ng tulong si "Julie" sa nakaparadang tricycle pero kasabwat pala ito ng snatcher.

Ayon sa Manila police, hindi rumuruta sa Malate ang nasabing tricycle.

Hindi rin naplakahan ang tricycle, ayon kay Police Capt. Yolando Espina.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya para matugis ang mga nambiktima kay "Julie," ani Espina. --Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.