Konsehal sa Negros Occidental, patay sa pamamaril

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2019 10:54 PM

ESCALANTE CITY, Negros Occidental - Patay sa pamamaril ang isang konsehal ng Escalante City Lunes ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na sa bahay si Councilor Bernardino Patigas sakay ng kaniyang motor nang bigla siyang barilin ng sakay din ng motorsiklo.

Sinundan umano ng mga salarin ang biktima. Binalikan pa umano ng salarin ang biktima at binaril sa ulo nang matumba na ito sa kaniyang motor.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril sa konsehal.

Kinondena naman ng grupong Karapatan ang pagpatay kay Patigas. Ayon sa grupo, ika-48 na na Karapatan worker si Patigas na napatay.

Kilalang human rights worker ng North Negros Alliance of Human Rights Advocate si Patigas.

Isa rin siya sa nakaligtas sa Escalante massacre noong 1985.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.