Trabahong cyber security, 'in demand'

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2018 02:52 PM | Updated as of Apr 22 2018 07:16 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patuloy na tumataas ang pangangailangan sa mga eksperto laban sa online security threats gaya ng hacking, data interference, fraud, identity theft, at iba pang cybercrime at cyber-related offenses.

Ayon sa 2017 Global Information Security Workforce Study, lumalaki ang demand para sa mga may kaalaman sa larangan ng cyber security.

Tinatayang nasa 1.8 milyon ang kakailanganing cyber security workers sa buong mundo hanggang taong 2022, ayon sa pag-aaral.

"The shortage of cyber security [workers] is not just a local problem. It's something na parang global concern because the threat landscape is always changing," ani Paul Oliveria, technology communications lead sa kompanyang Trend Micro.

"When we say shortage, we can look at it as either 'yong current staff nila doesn't have sufficient skills or wala pa rin talaga silang capacity to defend their networks or analyze these threats," paliwanag ni Oliveria.

Kabilang sa mga nagtatrabaho sa industriya ng cyber security ang mga network manager na sina Jonathan Ngo at Jodel Hipolito.

Ayon kay Ngo, kabilang sa mga serbisyo nila ang pagbibigay ng anti-virus at back-up system.

Kuwento ni Hipolito, madalas na problema ng kanilang mga kliyente ang outdated na anti-virus.

"Usually nakikita namin na 'yong mga client namin is, for example, 'yong mga anti-virus nila hindi updated, anti-virus nila is hindi active... prone sila to have issues," ani Hipolito.

Hindi limitado sa mga information technology graduate ang trabaho sa cyber security dahil maaaring sumailalim ang mga interesado sa iba't ibang pagsasanay na inaalok ng iba't ibang institusyon. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.