Sunog sumiklab sa Tagoloan, Misamis Oriental

ABS-CBN News

Posted at Apr 22 2018 02:31 PM

MANILA - Sumiklab ang sunog sa magkatabing boarding house at junk shop sa Zone 4, Sta. Cruz, Tagoloan, Misamis Oriental, Linggo ng umaga.

Nagsimula ang sunog pasado alas-11:00 ng umaga at idineklara lamang na "under control" bandang 1:00 ng hapon. 

Tinatayang 15 manggagawa ng kalapit na planta ang umuupa sa boarding house na pag-aari ng isang Elsa Equillos. Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, umabot ang sunog sa junk shop ni Rodrigo Alburo dahil may mga kahoy, gulong, at sako-sakong scrap materials dito. -ulat mula kay Rod Bolivar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.