Sa gitna ng sobrang init at nagbabagong klima, nananatiling posible ang zero carbon emission sa bansa ayon kay Climate Change Commission Albert Dela Cruz Sr. nitong Biyernes ng umaga.
Kahit na umabot na sa 'point of no return' ang bansa sa climate change, tinitiyak ni Dela Cruz na ang Pilipinas ay naglalabas lamang ng mas kaunti kaysa 1% ng carbon sa global distribution.
Ito ay alinsunod sa target na Carbon Net Zero at 70% carbon reduction sa 2050 sa ilalim ng Paris Agreement.
Ibinahagi rin ni Dela Cruz na kanilang isinusulong sa bawat Local Government Unit na magkaroon ng sariling target sa pamamagitan ng Local Climate Change Action Plan.
"Kinakampanya natin sa local level at sa ating mga industry partners na magkaroon din ng kahalintulad na carbon target."
Binanggit rin ng commissioner na ang carbon emissions ay nagmumula sa mga malalaking industriya tulad ng mining at cement production, at sa araw araw na aktibidad ng ordinaryong tao.
Kabilang sa mga plano ng komisyon ay ang Climate Change Conference o COP29 na magaganap sa United Arab Emirates upang pagtuunan ang climate justice action.
"Of course we are looking forward to this international support, international climate funding, and international technology mechanism."
Dagdag pa niya, nakalista rin ang resolusyon na magbibigay ng incentives sa mga non-motorized vehicles, pag-uusap sa Department of Justice tungkol sa grant para sa parole na may kasamang community service sa pagtatanim ng puno, polisiya sa edible gardening, at plano para sa social roof.
"Mayroon tayong maraming bagay na dapat baguhin upang maabot natin bilang isang bansa ang tinatawag nating carbon sequestration effort upang maging net zero carbon ng 2050."
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.