15 pesos per meal? P420 minimum wage sa Central Luzon di na sapat - TUCP

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2022 08:46 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA – Humirit ng umento sa sahod ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa mga manggagawa sa Region 3 dahil sa bumababang purchasing power ng piso doon, ayon sa tagapagsalita ng grupo.

“Ang P420 na existing minimum wage dito sa Central Luzon, ang kanyang purchasing power ay nasa P368 na lamang,” ani Alan Tanjusay. 

“Kung kukuwentahin ay P15 na lamang per meal per person ang kakayahang bumili ng P420 na ito,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Tanjusay, pinagbasehan din ng hiling niyang dagdag-suweldo ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin o inflation sa nasabing rehiyon.

Aniya, nananatiling matindi ang pangangailangan ng mga manggagawang Pilipino dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. 

“Kaya’t ito yung nagtutulak sa amin na talagang dapat i-push natin ang mga wage boards na magdesisyon nang mabilisan at maglabas na ng mga wage increase orders hindi lamang dito sa (National Capital Region) kundi pati sa ibang mga regions sa buong bansa,” sabi niya. 

Noong 2019 huling nagkaroon ng dagdag-sahod sa Region 3, ayon kay Tanjusay.

--TeleRadyo, 21 April 2022