Hinuli ang vlogger na si Jeremy Hallazgo matapos siya lumangoy sa fountain ng Gaston Park sa Cagayan de Oro. Kuha ng COCPO Station 1
Pinatawan ng 4 na araw na community service ang isang 20-anyos na vlogger matapos siyang mahuli na lumangoy sa fountain ng Gaston Park sa Cagayan de Oro, Linggo ng hapon.
Ginawang swimming pool ni Jeremy Hallazgo ang fountain habang suot ang pink na boxer shorts at vinivideohan ng kaniyang kasama.
Maraming tao ang namamasyal sa park sa oras na iyon at karamihan ay galing sa kalapit na simbahan.
Hinuli rin ang dalawang iba pa na nagsilbing cameraman at editor.
Karamihan umano sa ginagawa ni Hallazgo para sa kaniyang vlog ang pagtupad ng mga hamon o request ng kaniyang mga followers.
Kakasuhan sana siya at ang kanyang mga kasama ng alarm at scandal ngunit pinatawad at inisyuhan na lang sila ng local government ng ordinance violation receipt at pinatawan ng community service.
Humingi ng tawad si Hallazgo at nangakong hindi na uulitin ang ginawang challenge. Nanawagan din siya na huwag siyang gayahin.—Ulat ni PJ dela Pena
KAUGNAY NA BALITA
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
vlogger, vlog, Cagayan de Oro, fountain, Gaston Park, Regional news, Tagalog news