Maginhawa community pantry bukas na muli

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 07:40 AM | Updated as of Apr 21 2021 09:01 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Bukas na muli ngayong Miyerkoles ang Maginhawa community pantry sa Quezon City.

Pansamantalang isinara ito ng organizer na si Ana PAtricia Non nitong Martes dahil sa pangamba sa seguridad ng mga volunteer bunsod ng mga insidente ng red-tagging.

Daan-daan ang pumunta ngayong Miyerkoles ngunit alas-5 ng umaga pinayagang pumila ng mga pulis alinsunod sa curfew.

"Starting today gusto po namin sana na magfocus tayo dun sa community pantry. Mas madaming sumusuporta naman po kesa bumabatikos. Ayaw ko po ibuhos ang energy ko sa mga taong hindi nakakaintindi," ayon kay Non.

"Kung may doubts pa po ang tao sa community pantry, bisita po sila sa kahit saang community pantry sa Pilipinas kasi hindi lang po dito ang umaani ng supporta, 120 na po ang community pantries sa buong Pilipinas."

Patuloy ang pagusbong ng community pantry sa buong bansa. Sa Maynila, ginawang community pantry ng Paco Church ang isang nagsarang tindahan dahil sa pandemya.

Si Elisa Refuerzo, isang residente, nagbigay ng de lata mula sa buwanang food box mula sa lokal na pamahalaan.

“Iisa lamang po ako, hindi ko naman kaya ubusin yun...kaya sabi kong ganun pagka meron uli ako naipon, daldahin ko rin dito," aniya.

Mayroon na ring community pantry sa Malolos, Bulacan, Tabaco City sa Albay, at Cagayan de Oro City.

-- May ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.