PatrolPH

Community pantry sa Laguna, school supplies naman ang ipinamimigay

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 01:26 PM

Community pantry sa Laguna, school supplies naman ang ipinamimigay 1
Sa Siniloan, Laguna, school supplies imbes na pagkain ang libreng ipinamimigay sa 'community pantry for education.' Retrato mula sa Sangguniang Kabataan ng Siniloan

Kung libreng pagkain ang maaaring makuha sa mga community pantry sa iba-ibang lugar sa bansa, iba naman ang ipinamamahagi ng tinawag na "community pantry for education" sa bayan ng Siniloan, Laguna.

Libreng school supplies ang ibinibigay doon ng Sangguniang Kabataan (SK) ng bayan, tulad ng mga ballpen, lapis, pantasa, ruler, pambura, envelope, at notebook.

Nagbibigay din ng face mask ang "pantry," na matatagpuan sa tapat ng Siniloan Integrated National High School sa Barangay Wawa.

Community pantry sa Laguna, school supplies naman ang ipinamimigay 2
Sa Siniloan, Laguna, school supplies imbes na pagkain ang libreng ipinamimigay sa 'community pantry for education.' Retrato mula sa Sangguniang Kabataan ng Siniloan

Ayon sa SK ng Siniloan, paraan nila ito upang makatulong sa mga batang naapektuhan ang pag-aaral dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa libreng school supplies, may libreng serbisyo rin tulad ng pagpapa-print at photocopy.

Para sa grupo, bukod sa pagkain ay essential din ang edukasyon.

Community pantry sa Laguna, school supplies naman ang ipinamimigay 3
Sa Siniloan, Laguna, school supplies imbes na pagkain ang libreng ipinamimigay sa 'community pantry for education.' Retrato mula sa Sangguniang Kabataan ng Siniloan

Tumatanggap ang grupo ng donasyong lapis, papel, notebook, pambura at iba pang school supplies.

Dahil sa COVID-19 pandemic, sa bahay muna nag-aaral ang mga estudyante sa pamamagitan ng mga printed at digital module, online class, telebisyon at radyo.

— Ulat ni Andrew Bernardo

 RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.