4 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo sa Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 02:51 PM

Tumilapon ang apat na sakay ng dalawang motorsiklong nagkasalpukan sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur. Larawan mula sa Magsaysay Police.

Apat na katao ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Magsaysay, Davao del Sur nitong Martes ng hapon.

Ayon sa pulisya, kapwa may sakay na angkas ang dalawang rider ng motorsiklong nagkabanggaan sa highway sa Purok Pag-asa, Barangay San Isidro ng nasabing bayan.
 

Nag-overshoot umano ang isa sa motorsiklo sa palikong bahagi ng highway at sumalpok sa kasalubong na motorsiklo. 

Nagtamo ng mga sugat at bali sa katawan ang apat na sakay ng dalawang motorsiklo na tumilapon sa banggaan.
 
Ligtas na ang apat na kasalukuyang ginagamot sa Davao del Sur Provincial Hospital. 

Posibleng makasuhan ang dalawang rider dahil wala umano silang maipakitang lisensya.

 KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Francis Magbanua

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.