4 na preso sa Barotac Nuevo, Iloilo nagpositibo sa COVID

ABS-CBN News

Posted at Apr 21 2021 02:42 AM

Barotac Nuevo Municipal Police Station

Pansamantalang naka-lockdown ang Barotac Nuevo Municipal Police Station (MPS) sa lalawigan ng Iloilo matapos magpostibo sa COVID-19 ang 4 na preso.

Simula Martes, pansamantalang sarado ang police station para sa disinfection. Wala pang petsa kung kailan ito magbubukas.

Ayon sa nasabing police station, nalaman na lang na nagpositibo sa virus ang 4 matapos silang i-turn over ng BJMP Dumangas Iloilo.

Isinailalim na sa swab test ang 29 na pulis at 5 iba pang preso na nasa pangangalaga ng Barotac station.

Asymptomatic at naka-quarantine na ang mga infected na preso.

Nagpadala na ng augmentation ang Iloilo Provincial Police Office upang tumulong sa operasyon ng Barotac police station. — Rolen Escaniel

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.